Si Erap, tatakbo!

October 22, 2009 § 1 Comment

Erap pa rin daw ang mga taga Tondo

Erap pa rin daw ang mga taga Tondo

Kahapon, muling ipinakita ni dating pangulong Joseph Estrada ang kanyang masa appeal. Sa Plaza malapit sa kanyang lugar ng kapanganakan sa Tondo Maynila, idineklara ni Erap ang kanyang naising muling tumakbo bilang pangulo. Bago pa siya pumunta ng Tondo, dumiretso muna siya sa puntod ng kanyang ina, si Mama Mary Ejercito, upang magbigay pugay. Pagkatapos nuon, agad siyang nagtungo sa Tondo upang ideklara ang kanyang kandidatura.

Mahigit aniyang 10,000 katao ang dumalo sa deklarasyon ni Erap. Pagpapakita na teritoryo pa rin ni Erap ang Tondo. Bagamat taga-Tondo rin ang bilyonaryong si Manny Villar na kakandidato ring pangulo, nananatiling mahal ng mga taga-Tondo ang dating pangulo.

Agad namang umiksena ang Palasyo na nagsabing hindi kwalipikadong tumakbo bilang pangulo ang nakulong na pangulo. Hiling naman ng ilang sektor, hayaang ang mga korte na lamang ang magpasya sa kahahantungan ng kandidatura ni Estrada.

Kitang kita ang muli ring pagbabalik ng “gang” ng mga dating kabinete ni Erap. Alalaong baga’y parang second coming ding mahahalintulad duon kay Napoleon nuong 17th century sa Fransya. Nananatili ang alamat ni Erap.

Nakakatakot nga lamang isiping nagbabalik ang dati nang mga isinuka ng taumbayan. Para ngang aso tayong kumakain ng sariling isinuka. Nagka ganito tayo dahil wala rin namang matibay at kakaibang pagpipilian sa ilang nangangarap maging Pangulo ng bansang Pilipinas. Kaawa-awang sitwasyon ang kinakaharap ng taumbayan. Isa itong direktang pag-aliglahi sa konsepto ng pagbabago at ng rebolusyon. Isang pag-amin sa pagkakamali. Pero, hindi rin naman ito ang direktang kasagutan sa isang kasaysayang nabahiran ng duming dulot ng mga pumalit.

Tagged: , ,

§ One Response to Si Erap, tatakbo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Si Erap, tatakbo! at Pinoy Observer.

meta

%d bloggers like this: