Pinoy Rock

December 18, 2010 § Leave a comment

Gloc9 one of the most creative Pinoy musicians of this age

Dalawang araw na akong nakikinig ng mga Pinoy rock music, at sa totoo lang, ito ang mga nakagisnan kong musika noong ako’y lumalaki sa piling ng aking mga magulang at extended family. Tulad ng ibang pamilyang Pinoy, kasama ko ang aking lola, lolo at mga auntie at tito sa bahay.

Lahat ng mga aunties at tito ko, mahilig sa musika. Iba’t-ibang uri ng musika, mula sa lokal hanggang sa Western songs ang pinapatugtog sa bahay. Kaya naman, alam ko na halos lahat ng kanta.

May vinyl record player kami, kaya naman halos lampas sigurong kalahating kilometro ang taas ng mga plaka sa bahay namin. Nandun siyempre ang ASIN, ang Juan dela Cruz band, si Mike Hanopol at Sampaguita, kasalo ang mga Beatles, The Who at ilan pang mga sikat na banda ng dekada sitenta.

Of course, nandun na rin ang APO, nakikipag-kumpetensya kina Jimi Hendrix, the Doors, the Rolling Stones, Monkees at iba pa. Karamihan sa mga sumikat nun ay mga British acts. Malaki ang impluwensya sa musika ng dekada sitenta ang British rock music.

Kung sa folk music, samahan pa ng reggae, nandyan siyempre ang walang kamatayang Eric Clapton, at mga kanta ng mga Jamaican. Sa kabila ng paglabag sa mga karapatang pantao ng mga puti sa Negro, halos sambahin bilang mga dios ang mga rocker na Negro. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng Musika.

Sa mga panahong yaon, halos hati ang airplay time ng Pinoy rock sa mga tugtuging pop, at tradisyunal na harana. May classical music pa ring pinapatugtog sa ilang mga radyo, pero, dominado na ng Pinoy rock ang ere.

Nagsimula ang tunay na Pinoy rock nang sumitsit paitaas ang Juan dela Cruz band. Copycat bands ang RJ and the Riots, at isang kanta lang ang napasikat nila sa buong career nila.

Nang tumuntong na ako ng college, nasaksihan ko ang pag-usbong ng mas mataas na kalidad ng Pinoy rock. Nariyan ang The Dawn, na halos tunog banyaga. Ewan ko kung matatandaan ninyo pa sina Cookie Chua, Coco Jam at iba pa na nagsimula sa Red Rocks sa Timog.

Saksi ang Red Rocks sa unti-unting pagtanggap ng masa sa musikang Pinoy. Dalawang lugar ang palagi kong pinupuntahan–Red Rocks at ang Mayrics sa UST.

Nang malugi ang Red Rocks, binenta ito at naging Club Dredd. Na-expose sa iba’t-ibang rock bands ang mga Pinoy. Mula sa mga lugar na ito, sumikat ang Eraserheads.

Iba ang tunog ng E-heads. Quality ang tunog at purong Pinoy. Naka -identify ang mainstream, at mula sa madidilim na joints at bars, pilit na kumawala ang E-heads. Naging pamantayan ang mga kanta ng E-heads sa mga sumunod na rock bands.

Noon ding 80’s, nagsimula ang Pinoy hip-hop na pinakawala ni Francis M, Andrew E (mga kantang may double meaning) at Michael V. Si Francis M ang naging pinakatanyag sa mga ito.

Ngayon, ang pinaka paborito ko sa mga sikat na banda ay si Gloc9. May substansya ang mga kanta, at magandang pakinggan. Sana mas marami pang sumunod sa kanya.

Tagged: , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pinoy Rock at Pinoy Observer.

meta

%d bloggers like this: